Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

De Lima may bilyones sa secret bank accounts? (NBI Pinakilos vs drug trade sa Bilibid)

ITINANGGI ni Senadora Leila de Lima, inakusahang tumanggap ng kickbacks sa illegal drug trade, na mayroon siyang bilyon-bilyong piso sa secret bank accounts.

Binuweltahan niya ang isa sa kanyang mga kritiko, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bilang lider ng “mafia of lies and intrigues.”

“I have no millions or billions in my bank accounts. And I have no dummy accounts. Any alleged accounts that would be linked to me and my alleged drug links can only be fictitious,” pahayag ni De Lima.

Nauna rito, sinabi ni Aguirre, ikinokonsidera niyang hilingin na i-freeze ang bank accounts na naglalaman ng drug money.

NBI PINAKILOS VS DRUG TRADE SA BILIBID

INIUTOS ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Ito ay makaraan niyang matanggap ang ilang bank documents na iniuugnay sa nangyayaring transaksiyon ng ipinagbabawal na gamot sa Bilibid.

Ayon kay Aguirre, magagamit ng NBI ang mga dokumento na ibinigay sa kanila ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para matukoy kung saan napupunta ang kinita mula sa naturang mga transaksiyon.

Maaari aniyang napapasakamay ito sa mga protektor ng mga drug lord sa pangunguna ni Sen. Leila de Lima.

Hindi umaasa ang kalihim na ang pangalan ng senadora ang siyang nakalagay sa bank accounts, lalo’t sa testimonya ng ilang testigo ay may mga collector si De Lima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …