TINUTULAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kahilingan ni Moro National Liberation Front (MNLF) founder at chairman Nur Misuari na itigil ng militar ang kanilang pinalakas na operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa probinsya ng Sulu.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, hindi sila pumayag sa nasabing kahilingan ni Misuari dahil ang importante ay nagpapatuloy ang kanilang opensiba laban sa teroristang grupo.
Sinabi ni Padilla, nangyari na ito dati ngunit ang hiling ay nagiging ugat sa pagtakas ng tinutugis na bandidong grupo.
“Hindi po tayo pumayag importante na tuloy ang operasyon. Nangyari na dati na ang hiling na ‘yan ay nagiging ugat ng pagtakas. Magbibigay lang ng puwang sa turn over at transfer. Hindi wini-withdraw ang pwersa,” wika ni Padilla.