LALO pang lumakas ang bagyong nasa silangang bahagi ng ating bansa.
Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, mula sa pagiging tropical depression, naging tropical storm na ito at maaari pang maging typhoon sa susunod na mga araw.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,975 kilometro sa silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras at may pagbugsong 80 kilometro kada oras.
Kumikilos nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
Inaasahang papasok ito sa karagatang sakop ng Filipinas sa loob ng 24 oras.