KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaki makaraan siyang pagsasaksakin at putulin ang kanyang ari ng mister ng kanyang lover sa Baao, Camarines Sur.
Ayon sa ulat, si Gaspar Ermo ay nasa loob ng kubo kasama ng isang babae nitong Huwebes ng hapon nang atakehin siya ng suspek na si Victor Boaqueña.
Napag-alaman, pinagsasaksak ni Boaqueña si Ermo at pagkaraan ay ibinaba ang kanyang pantalon at pinutol ang kanyang ari.
Mabilis na isinugod sa ospital si Ermo na kritikal ang kondisyon, habang ang babae ay tumakas.
Naglunsad na ng manhunt operation sa suspek na sinasabing matalik na kaibigan ng biktima.