IPRINOKLAMA ng Department of Interior and Local Government (DILG), sa ilalim ng Presidential Proclamation 990, ang huling linggo ng Setyembre bilang Urban Pest Control Week at itinalaga ang National Commission on Urban Pest Control (NCUPC) sa pangunguna sa pangangasiwa ng proyekto gayondin ang special project na tinaguriang Environment Pest Abatement Management Program (EPAMP).
Kaugnay nito, nag-isyu ang DILG ng Memoramdum Circular 2016 sa lahat ng provincial governors, city and municipal mayors, DILG regional directors at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na pagbutihin ang kanilang proyekto.
Gayondin, nag-siyu ang DILG ng Memorandum Circular 2003-186 na nagsusulong ng community hygiene, kabilang ang pest abatement sa local development plans, at pagsasagawa ng implementasyon, edukasyon at communication campaign kaugnay sa pest control.
Inatasan din ang DILG directors na ipakalat ang circular 2016-7 sa loob ng kanilang nasasakupan.