Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Bamboo, request nina Klarisse, JK at Jason sa One Voice

IGINIIT nina Klarisse de Guzman, JK Labajo, at Jason Dy na nais nilang mapanood nina Sarah Geronimo at Bamboo ang kanilang magiging konsiyerto na One Voice na magaganap sa Oktubre 1, 8:00 p.m. sa Music Museum.

Sina Sarah at Bamboo kasi ang naging coach nila nang magsisali sa The Voice noon.

“Kasi parang gusto kong makita ‘yung naging fruit of her labors. ‘Yung parang ‘yung pinaghirapan niyang pagmementor sa amin sa ‘The Voice’” ani Jason patungkol kay Sarah.

“Gusto ko hong makita ni coach Bamboo, actually sila ho, ‘yung ano po ‘yung improvement,” sabi naman ni JK.

Sinabi pa ng tatlo na dream come true ang One Voice at tiniyak na mapapanganga ang audience sa mga ipakikita nilang performance.

“Siyempre asahan nila na iba ‘yung ibibigay naming surprises ngayon. Abangan nila ‘yung songs na kakantahin namin. Actually, kahit kami, napaisip kung paano namin babaliin pero I know paghahandaan po namin para sa kanilang lahat,” pagtitiyak ni Klarise.

Ang One Voice ay ipinrodyus ng Hills & Dreams with Marvin Querido as musical director at Frank Lloyd Mamaril bilang overall director.

For ticket inquiries, bisitahin ang Ticketworld outlets o tumawag sa 8919999.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …