Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie Hart, okay lang mabansagang Halinghing Queen

SOBRANG sexy at daring ang mga ginawa ng tisay na si Nathalie Hart sa pelikulang Siphayo. Mayroon siya ritong shower scene na hubo’t hubad, romansahan sa maisan with Joem Bascon na hubo’t hubad ulit, mainit na romansahan with Allan Paule at kay Luis Alandy, na ang huli ay naging rason para umiyak si Nathalie magkulong sa CR at muntik mag-back out sa naturang pelikula.

Tatlong lalaki na mag-aama ang magpapasa-pasa sa kanyang alindog. Makakatalik niya ang mag-aama na ginampanan nina Allan, Luis, at Joem. Iba-ibang posisyon, sa iba’t ibang lugar at iba-ibang emosyon ang mapapanood sa aktres sa pelikulang ito ni Direk Joel Lamangan.

Isa pang napansin namin sa trailer ng pelikulang ito ng BG Productions na pag-aari ni Ms. Baby Go, matindi ang mga emote at halinghing ni Nathalie sa kanyang mga love scene. Kaya inusisa namin si Nathalie kung ano ang magiging reaksiyon niya kung bansagang Halinghing Queen?

“Kailangan kasi iyon sa movie, iyong mga pang-ungol, pag-moan, kasi kailangan ay makatotohanan. Pero siyempre, lahat naman iyon ay acting lang,” esplika ng aktres.

“Sa akin ngayon, kung ano man ang sabihin sa akin ng mga tao, kung ano man ang ibansag sa akin ng mga tao ay wala na akong pakialam. Basta ang importante sa akin, ayaw kong masabi nila sa akin na babaeng naghuhubad lang at iyon lang iyong maipapakita ko. Gusto ko na masabi nila na kahit naghubad man ako, may maipapakita ako na hindi lang iyon ang kaya kong gawin, na may acting din ako,” palabang wika ni Nathalie.

Nang umiyak siya at nagkulong sa CR dahil ‘di magawa ang isang maselang love scene, sinabihan siya ni Direk Joel na, ‘Im not a porn director.’ Ano ang reaksiyon niya rito? “Parang medyo kumalma po ako noong time na iyon. Kasi, alam ko naman po na respetado siyang director and alam ko rin naman po na hindi siya talaga porn director,” nangingiting saad naman ng aktres.

Nagbunga naman ang hirap ni Nathalie dahil nabigyan ng R-16 ratings without cuts ng MTRCB ang Siphayo. Binigyan ng konsiderasyon ng MTRCB ang matinong pagkakagawa nito, mahusay na sinematograpiya, mahusay na pagganap ng mga artista at ang social message na inilahad sa pelikula. Kaya kahit matitindi ang mga eksenang hubaran, mararahas na salita at bayolenteng climax nito ay binigyan ng R-16 ratings without cuts.

Kasama rin sa pelikula sina Isabel Lopez at Elora Espano. Sa October 3 ang premiere night ng Siphayo sa SM Megamall at sa October 5 ang showing in selected theaters nationwide.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …