Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jon Lucas, unang indie film ang Higanti

SUMABAK na rin sa paggawa ng indie film ang Hashtags member na si Jon Lucas.

Ito ang pelikulang Higanti mula sa Gitana Film Productions na pag-aari ng bookstore magnate na si Ms. Tess Cancio.

Ang pelikula ay tinatampukan nina Assunta de Rossi, Jay Manalo, Meg Imperial, Katrina Halili, DJ Durano, Alwyn Uytingco, Kiko Matos, Ruby Ruiz, Lui Mananzala, Daniel Pasia, at iba pa, mula sa direksiyon ni Rommel C. Ricafort.

Ayon sa Kapamilya aktor, okay lang sa kanya na pagsabayin ang paglabas sa TV at sa pelikula.

“Nakagawa na rin po ako ng mga pelikula under Star Cinema at under Regal Entertainment. So, eto po ‘yung unang indie film na nagawa ko na malaki talaga.

“Masaya po ako na pagsabayin ang TV at pelikula, para po mas maraming trabaho, at mas maraming ginagawa,” pahayag ni Jon.

Ang Higanti ay tumatalakay sa mga nangyayaring pang-aabuso, korupsiyon, at krimen ng mga taong nasa kapangyarihan.

Monday to Saturday ang grupo ninyong Hashtags sa It’s Showtime, hindi ba mahirap iyon sa parte mo kung gumagawa ka rin ng pelikula?

Sagot niya, “Hindi naman po mahirap, nagsu-shooting naman ako after Showtime. Minsan naman po ay wala akong It’s Showtime kaya puro shooting lang po ang ginagawa ko. Pero madalas naman na ang schedules ko sa pelikula ay after ng It’s Showtime.”

Sinabi rin ng Kapamilya akor ang role sa pelikulang Higanti. “Ang role ko po sa Higanti, anak ni ate Assunta, ako iyong sobrang laging kasama ng mommy ko hanggang sa dulo talaga. Kumbaga, mama’s boy talaga ako rito,” saad niya.

Ano’ng klaseng katrabaho si Assunta?

“Si ate Assunta po, sobrang sarap katrabaho, kasi ay mabait at magaan talaga siyang katrabaho. Of course, mabait din iyong director namin at iyong mga producers, pati na rin iyong iba pang mga kasama namin sa movie.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …