Monday , December 23 2024

De Lima may death threats (Seguridad tiniyak ng palasyo)

DUDULOG si Sen. Leila de Lima sa korte dahil sa natatanggap na banta sa buhay.

Ayon kay De Lima, maghahain siya ng “writ of amparo” para matiyak ang sariling seguridad, maging ang kanyang pamilya.

Bukod dito, hihiling din siya ng “writ of habeas data” para matunton ang mga responsable sa mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Sa ngayon, lumipat siya ng bahay nang ulanin ng death threat makaraan isapubliko sa Kamara ang kanyang cellphone number at address.

Inamin ng senadora na hawak pa rin niya ang sim card na isinapubliko ang numero sa pagdinig ng Kamara.

Aniya, hindi na niya ito magamit dahil sa napakaraming pambabastos at pagbabanta sa kanya na nagmumula sa tinaguriang Duterte supporters.

Halos 2,000 na aniya ang text messages na ang iba ay binasa niya sa harap ng media.

SEGURIDAD TINIYAK NG PALASYO KAY DE LIMA

HINDI ang Palasyo ang nasa likod nang natatanggap ni Sen. Leila de Lima na banta sa kanyang buhay.

Una rito, sinabi ni De Lima, sa kanyang pakiramdam, hindi na siya ligtas makaraan isapubliko ang kanyang cellphone number sa House Justice Committee hearing.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, nakadepende kay Sen. De Lima kung kanyang seseryosohin ang natatanggap na banta sa buhay.

Ayon kay Andanar, tulad ng ibang mamamayan, maka-aasa ang senadora ng seguridad mula sa panig ng gobyerno.

Kasabay nito, nanawagan ang opisyal sa Duterte supporters na huwag pagbabantaan ang senadora dahil hindi ito tama at labag sa batas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *