“HINDI sila magtatagumpay!” Ito ang iginiit ni Sec. Martin Andanar, Presidential chief of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) patungkol sa mga taong gustong pabagsakin ang administrasyon at pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Kasi alam ninyo, 91 percent ng mga Filipino ay sumusuporta sa Presidente, eh. So, hindi sila magtatagumpay,” paliwanag ng dating TV5 news anchor.
Aniya, mabilis magtrabaho si Duterte at lahat ng ipinangako nito’y ginagawan ng paraan para matupad.
Iginiit pa ni Andanar na hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang Pangulo. “Hindi lang po sa paghahabol sa mga drug lord at mga drug pusher ang ginagawa niya kundi pinagaganda rin ang ating ekonomiya.
“At kailangan po magkaroon tayo ng kapayapaan, kinakausap niya ang ating mga kapatid sa MILF, MNLF, gayundin sa CPP-NPA-NDF.”
Nabanggit pa ng secretary na nabigla si Digong sa rami ng bilang ng mga sangkot sa droga at gumagamit nito.
“Hindi kasi inakala na ganoon pala karami ang sangkot sa droga, lalong-lalo na iyong mga nasa politika, ‘yung nasa gobyerno,” giit pa nito kaya raw humingi ng extension ang pangulo ng another six months para sugpuin ito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio