Sunday , December 22 2024

Be a participant not as a spectator!

NAKIUSAP si Pangulong Duterte na bigyan natin siya ng another (extension of ) six month para sa kanyang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad partikular ang pagsugpo sa bentahan ng “shabu” sa bansa.

Kung susuriin, taliwas ito sa kanyang ipinangako noong nangangampanya siya na sa loob ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan ay kanyang susugpuin ang kriminalidad sa bansa.

Bukod dito, nagbitaw pa ang Pangulo ng salitang siya ay bababa sa kanyang puwesto kapag hindi niya nagawa ito.

Wala pa pong 6-buwan Pangulo, may tatlong buwan pa. Kayang-kaya mo pa ‘yan Ginoong Pangulo.

Pero ano pa man, walang masama sa pakiusap ng Pangulo. Anim na buwan? No Mr. President. Take your time, kahit hanggang matapos pa ang inyong termino basta’t  maubos lang ang  mga tarantado sa bansa. Marami na silang sinirang buhay.

Kailangan bigyan ng extention ang Pangulo dahil nakita natin ang pag-uugali ng mga tulak o gumagamit, matapos na sumuko at mangakong magbabago. Hayun, nagsibalikan sa pagtutulak at gumagamit pa rin.

Pero ilan sa mga nagsibalikan ay sinuwerteng pumantay na ang dalawang paa sa loob ng isang kahon.

‘Ika nga ni Chief PNP, Director General Bato Dela Rosa… magiging November 1 na ang kanilang birthday.

Sa kahilingan ni Pangulong Duterte na 6-month  extension. Again, no problem Mr. President, you have all the time. Tutal ang ginagawa mo naman ay hindi para sa iyo, hindi lang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa mga susunod na henerasyon. Lamang, ang problema natin ay… paano na kapag tapos na ang inyong termino, susunod kaya sa hakbangin mo ang susunod na pangulo?

Anyway, malayo-layo pa naman Mr. President. Limang taon at siyam na buwan pa.

Tulad nga ng naunang nabanggit, wala tayong nakikitang masama sa pakiusap ni PDigong at sa halip, dapat na suportahan natin.

Nasaksihan naman  natin kung bakit ganoon katalamak ang bentahan ng droga. Iyong pawang mga nasa gobyerno ang protektor ng mga sindikato ng droga. Kung hindi man protektor, sila mismo ang namumuno sa sindikato.

Nakahihiya, nasa likod ng droga pala ay ilang matataas na opisyal sa pamahalaan. May gobernador, may mayor, may bise alkalde, may konsehal, may kapitan, etc…etc…etc…

Yes, kaya pala matindi ang ilegal na droga sa bansa. Bukod sa ninja cops – mga pulis na binabawasan ang kanilang nakokompiskang droga at saka ibinebenta.

Kailan kaya sila manlalaban sa mga operatiba para matapos na ang lahat? Este, may ninja cops na rin pala na napatay matapos manlaban.

Ginawa ng Pangulo ang makiusap dahil nakita niyang napakabigat pala ng problema ng bansa sa droga kahit araw-araw ay may mga napapatay na tulak, nakapagtatakang hindi pa rin nababawasan ang lahi nila. Bakit kaya?

Mr. President, take your time…katunayan, hindi lamang bentahan ng droga ang unti-unti ninyong napilayan kundi maging ang iba’t ibang klase ng kriminalidad. Bumaba na rin ang pag-atake ng riding-in-tandem, carnapping, robbery hold-up, at iba pa.

Ibig sabihin, sa loob ng tatlong buwan pa lamang ay epektibo ang kampanya ng Pangulo laban sa droga kaya, hindi na niya kailangan pang makiusap sa bayan.

So, bilang mamamayan, dapat suportahan natin ang kampanya ng Pangulo at huwag manatiling maging spectator at sa halip be a participant.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *