IBINUNYAG ng convicted drug lord na si Herbert Colangco, nagbibigay siya ng milyon-milyong pera kay Sen. Leila de Lima noong kalihim pa ang senadora ng Department of Justice.
Sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP), sinabi ni Colangco, nagbibigay siya sa senadora ng P3 milyon kada buwan.
Galing aniya ito sa kanyang mga kita mula sa pagtutulak ng droga, pagbebenta ng mga alak at iba pang raket sa loob ng national penitentiary.
Nagsimula aniya si-yang magbigay ng pera kay De Lima noong 2013.
Bukod dito, isiniwalat din ni Colangco na ma-ging si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan ay inabutan din niya ng pera.
Sa tuwing may ililipat aniya na preso mula sa Medium patungong Maximum Security Compound ay dapat magba-yad ng P500,000 kay Baraan.
Dagdag ni Colangco, P1.2 milyon ang natatanggap ni Bureau of Corrections director Franklin Bucayu magmula noong 2013.