Saturday , November 16 2024

Hatag kay De Lima ng Bilibid drug lords idinetalye ni Aguirre

INILAHAD ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang naging proseso nang paghahatid ng pera kay dating DoJ chief at ngayon ay Sen. Leila De Lima mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pagdinig ng House committee on justice, sinabi ni Aguirre, mismong ang dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC director na si Rafael Ragos ang naglahad nito sa kanya.

Sa nasabing salaysay, isiniwalat ni Ragos na makailang ulit siyang nakakuha ng bag sa kanyang silid na naglalaman ng P5 milyon mula Nobyembre hanggang Disyembre 2012.

Ngunit hindi ito napupunta sa kanila kundi ibinibigay sa dating driver ni De Lima na si Ronnie Dayan.

May mga pagkakataon aniya na inihahatid ang milyon-milyong pera sa mismong bahay ng dating Justice secretary sa Parañaque City.

Bucayu, Baraan meron din
P3-M KADA BUWAN HATAG
NI COLANGCO KAY DE LIMA

IBINUNYAG ng convicted drug lord na si Herbert Colangco, nagbibigay siya ng milyon-milyong pera kay Sen. Leila de Lima noong kalihim pa ang senadora ng Department of Justice.

Sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP), sinabi ni Colangco, nagbibigay siya sa senadora ng P3 milyon kada buwan.

Galing aniya ito sa kanyang mga kita mula sa pagtutulak ng droga, pagbebenta ng mga alak at iba pang raket sa loob ng national penitentiary.

Nagsimula aniya si-yang magbigay ng pera kay De Lima noong 2013.

Bukod dito, isiniwalat din ni Colangco na ma-ging si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan ay inabutan din niya ng pera.

Sa tuwing may ililipat aniya na preso mula sa Medium patungong Maximum Security Compound ay dapat magba-yad ng P500,000 kay Baraan.

Dagdag ni Colangco, P1.2 milyon ang natatanggap ni Bureau of Corrections director Franklin Bucayu magmula noong 2013.

 

 

DROGA SA BILIBID NAKOPO
NI JAYBEE SEBASTIAN

092116-jaybee-sebastian-de-lima-magleo

ISINIWALAT ng dating chief inspector na si Rodolfo Magleo, nagawang i-maximized ng drug lord na si Jaybee Sebastian ang illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) dahil sa paglipat ng kulungan ng tinaguriang Bilibid 19.

Ibinunyag ni Magleo, batay sa pahayag ni Sebastian, nagbigay siya kay dating secretary at nga-yon ay Sen. Leila De Lima, ng P10 milyon makaraan mailipat ang Bilibid 19 sa NBI.

Ang paglipat sa Bilibid 19 sa NBI ay planado at si Sebastian aniya ang tinagurian ngayon na “King of drug lords” sa loob ng Bilibid.

Ikinatuwa aniya ni Sebastian ang paglilipat sa Bilibid 19 dahil hawak na niya ang illegal drug trade.

Ang pamamayagpag ni Sebastian sa ilegal na droga ay kasagsagan noong panahon na si De Lima ang kalihim ng Department of Justice (DoJ).

BILIBID BEFORE SAF
IPINAKITA SA HOUSE PROBE

072116 Bilibid PNP SAF bato

HINDI maipinta ang mukha ng ilan sa mga kongresistang dumalo sa pagdinig ng House committee on justice hinggil sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ito’y nang kanilang mapanood ang video documentary na ipinakita ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre tungkol sa situwasyon sa NBP sa nakalipas na administrasyon.

Iginiit ni Aguirre, nais niyang maipakita sa mga kongresista kung ano ang mga nangyayari sa national penitentiary bago pumasok at pinangasiwaan ito ng Special Action Force ng Philippine National Police noong Hulyo 20, 2016.

Kabilang sa mga na-interview ng convicted gangster na naging kilalang crime writer na si Louis Ferrante, ang convicted kidnapper na si Jaybee Sebastian.

Si Sebastian ang itinuturong isa sa mga nagbigay ng drug money kay Sen. Leila de Lima noong tumakbo ang da-ting kalihim sa pagka-senador.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *