Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

Drug suspects death toll pumalo na sa 1,167

PUMALO na sa 1,167 ang napapatay na drug suspects sa ilalim ng project “Double Barrel” ng PNP mula sa 1,152 kamakalawa.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, mula Hulyo 1 hanggang 6:00 am kahapon, Setyembre 20, umabot na sa 18,064 ang naarestong drug suspects.

Habang Umabot sa 18,814 anti-illegal drugs operation ang naisagawa ng pulisya.

Samantala, nasa 1,077,582 ang bilang ng mga kabahayan na isinailalim sa Oplan Tokhang ang binisita.

Sa kabuuan, may naitalang 715,699 surrenderees, sa bilang na ito ay 53,105 ang pushers habang 662,594 ang users.

13 PATAY SA DROGA SA MAYNILA

UMABOT sa 13 katao ang namatay kaugnay sa illegal na droga sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila.

Unang natagpuang patay ang sinasabing tulak ng droga na si Rogie Sebastian, 30-anyos, sa San Miguel, Binondo.

Napatay makaraan lumaban sa mga pulis sa sa buy-bust operation sa Del Pan St. at Penarubia St. sa Binondo sina Orlando Arcega, 40; Roland Sandoval, 30; Solomon Hardinel, 40, habang naaresto sina Karen Aquino, 25, at Lourdez Dacrama, 45-anyos.

Sugatan si PO2 Marco Moulic nang tamaan ng bala ng sumpak sa nasabing operasyon.

Dakong 8:00 pm kamakalawa, isang alyas Jayson Ilong ang natagpuang patay sa PNR Railway sa Lambingan Bridge sa kanto ng New Antipolo St. sa Tondo.

Dakong 8:30 ng gabi, natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Raxabago St. kanto ng Dagupan Ext., Tondo, Maynila.

Dakong 9:00 pm, napatay ng mga pulis si Jose Rueda Jr., sa buy-bust operation sa Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila.

Binawian ng buhay si Juanito Centeno dakong 11:10 pm makaraan lumaban sa mga pulis sa operasyon sa Hermosa St., Tondo habang arestado ang live-in partner niyang si Susan.

Dakong 12:25 am napatay sa buy-bust sa Algeciras St. kanto ng Maria Clara St., Sampaloc ang mga suspek na sina Conrado Belicano alyas Larry, 35, Rondino Garcia alyas Dondon, 55-anyos.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:30 am kahapon, natagpuan ang bangkay ng isang lalaki  sa Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila.

Dakong 2:53 am, natagpuan ng mga residente sa Saint Vincent Blessed School sa Sisa St., malapit sa Sto. Tomas St., Sampaloc, ang nakagapos na bangkay ng isang lalaki.

Samantala, dakong 8:00 am natagpuang nakalutang ang katawan ng isang lalaki sa Reservation Wharf sa Binondo, Maynila.

( LEONARD BASILIO may kasamang ulat ni Julyn Formaran )

2 TULAK TODAS SA SHOOTOUT

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District – Station Anti-Illegal Drug Operation Task Group (QCPD, SAID-SOTG) ng Masambong Police Station 2, sa isinagawang drug bust operation kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, pinangunahan ni Chief Insp. Erwin Guevarra ang operasyon sa Fernandez St., Brgy. San Antonio, Quezon City dakong 10:15 pm kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas Buboy Bulong at Alex Naguimbing, 33, habang nadakip si Severino Valentino, 45-anyos.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …