Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doctolero, ‘di rin daw kasundo ng mga katrabaho

KINAILANGANG mamagitan ng isang talent ng GMA para kalmahin si Tita Cristy Fermin na nagbabadyang isulat sa kanyang kolum (hindi rito sa Hataw) at birahin ang scriptwriter na si Suzette Doctolero.

Umani kasi kamakailan ng bira si Suzette mula sa hanay naming mga nagsusulat sa tabloid makaraang mag-isyu siya ng general o sweeping statement na, ”May nagbabasa pa ba ng tabloid?” sa kanyang social media account.

‘Yun ay bilang reaksiyon ni Suzette sa nag-iisa lang namang tabloid writer who lambasted her on social media, pero nilahat na ng TV writer ang mga kabaro nito.

Ang dapat sana’y litanya ni Tita Cristy laban kay Suzette ay isinantabi muna niya makaraang tawagan siya ng isang dating katrabaho sa ABS-CBN, now with GMA, na kung maaari’y ibalato na lang dito si Suzette. Tumalima naman si Tita Cristy although pinitik pa rin niya ito ng bahagya.

Pero sa nakaraang Friday edition ng Cristy Ferminute, mistulang nagdiwang kami ng field day dahil kung nakikinig lang ng mga sandaling ‘yon si Suzette ay baka hindi niya nakayanan ang mga panlalait ng mga listener sa kanya.

Isa rito ay mula mismo sa GMA na sinabi ng texter na wala namang kasundo si Suzette sa kanyang mga katrabaho. So, pangit ang ugali ng hitad na ‘to?

Bagamat alam naming hindi naman patungkol sa buong entertainment press—most especially sa mga tabloid writer—ang post ni Suzette (kundi sa iisang manunulat lang) ay huwag sana niyang nilalahat.

Calling the attention of GMA Corporate Communications sa pamumuno ni Angel Javier. Sa mga presscon n’yo ay mas lamang ang mga iniimbitahang tabloid kaysa mga broadsheet writer. Let’s face it, mas marami ang masa na siyang captive market ng mga show n’yo, lalong-lalo na ng mga seryeng likha ni Suzette.

Huwag sanang dumating ang panahon na pinagkakagastusan ng GMA ang kanilang mga presscon only to be attacked by tabloid writers who unite themselves dahil kay Doctolero.

Na laging nasusulat na nangongopya lang ng kuwento ng mga banyagang materyal at ipamamaraling orihinal kuno!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …