ANG isa pang pelikula ni Ms. Tess Cancio ay ang Pusit. Mula sa pamamahala ng mamamahayag na si Direk Arlyn dela Cruz, ito ang terminology sa mga taong may AIDS. Ito ay mula Pantomina Films at Blank Pages Production.
Ang pelikula na tinatampukan nina Jay Manalo, Elizabeth Oropesa, Ronnie Quizon, Rolando Inocencio, Kristoffer King, Rina Reyes, Zyruz Imperial, Mike Liwag, Tere Gonzales, JM Santos at iba pa, ay isang advocacy film upang mas ma-educate at magkaroon ng awareness ang mga tao sa sakit na ito.
Ayon kina Direk Arlyn at Ms. Tess wish nilang makapasok ito sa MMFF 2016. “Marami silang aral na mapupulot sa pelikula, dito’y makikita ang mga nararanasan ng mga nagkaroon ng AIDS. Isa itong ensemble casts na may kanya-kanyang kaso ng AIDS,” saad ni Direk Arlyn na idinagdag pang kasama sa cast nila ang isang AIDS victim talaga.
“Let’s see what happens. Creatively, I would like to make more movies. I have so many stories that I would like to turn into film. As my daughter would say, ‘Mommy, kailangang may kaunting kikitain para naman sa susunod mayroon kang pondo.’ Siyempre para naman mas makagawa pa kami ng ibang mga makabuluhang movies,” nakangiting saad naman ni Ms. Tess.
Inusisa rin namin ang ng bookstore magnate kung bakit magkaiba ang pangalan ng movie company niya sa dalawang pelikula. Ang sagot niya ay, “Kasi dapat ang plano, yung isang movie company ay for international project, at iyong isa naman ay para sa local. But now na may mga suggestion pati sa inyo sa press, siguro ay iko-consider namin na pag-isahin na lang.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagprodyus ng pelikula si Ms. Tess. Taong 1975 siya unang nagprodyus ng pelikula na pinamagatang Sa Pag-Ikot Ng mundo at pinagbidahan nina Gloria Diaz at Eddie Rodriguez
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio