SABAY ang ginanap na trailer launch ng pelikulang Higanti at Pusit last Saturday. Ginanap ito sa 37th Manila International Bookfair sa SMX Convention Center na may booth ang Goodwill Bookstore. Ang may-ari ng Goodwill Bookstore na si Ms. Tess Cancio ay siyang producer din ng dalawang pelikulang nabanggit.
Dito’y nilinaw ni Assunta de Rossi na hindi sila hiwalay ng kanyang mister na dating congressman ng unang distrito ng Negros Occidental na si Jules Lesdesma. Isang politician’s wife ang papel ni Assunta sa Higanti at sa panayam sa kanya ng press ay nagkamali ng intindi ang ilan sa binitiwan niyang pahayag dito na nagtapos na noong June 30 ang pagiging politician’s wife niya. Actually, dito’y nabanggit din niya sa press ang balak nila ni Jules na magkaroon na ng baby this year.
“She’s very loving and kind, while her husband is a cheater and is involved in illegal activities,” pahayag ng aktres ukol sa role niya rito.
Sinabi pa ni Assunta na hindi siya makahugot at maka-relate sa role niya sa Higanti dahil boring daw ang buhay niya.
“Actually, sa bawat role na ginagampanan ko, wala akong hugot. Ako kasi iyong klase ng aktres na kailangan ko talagang i-pressure ang sarili ko para maramdaman ko iyong mga roles na ginagampanan ko. Boring kasi ang buhay kaya walang gaanong hugot. My life is not perfect but neither is it disfunctional. My life is normal pero ang hirap umarte dahil wala naman talaga akong paghuhugutan”, saad ng aktres.
Nabanggit pa ni Assunta na blessing on her part na hindi nasangkot sa mga katiwalian ang mister niya, hindi tulad ng ginampanan dito ni Jay Manalo.
“Actually, hindi naman ako apektado. Ang buhay ko naman sobrang low-key. Matino rin kasi ang distrito sa lugar na pinanggalingan ko. I’ve been sorry for people who experienced and continue to experience yung ganoon. Nangyayari naman talaga iyon sa tunay na buhay pero hindi ko naranasan because our lives are a complete opposite doon sa mga nababalita at napapanood natin,” paliwanag niya ukol sa papel sa naturang pelikula.
Bukod kina Assunta at Jay, ang Higanti na mula Gitana Film Productions ay tinatampukan nina Meg Imperial, Katrina Halili, DJ Durano, Jon Lucas, Alwyn Uytingco, Kiko Matos, Ruby Ruiz, Lui Mananzala, Daniel Pasia, at iba pa, mula sa direksiyon ni Rommel C. Ricafort.
Ang Higanti ay tumatalakay sa mga nangyayaring pang-aabuso, korapsiyon, at krimen ng mga taong nasa kapangyarihan.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio