Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Snow World, nilagyan ng matataas na buildings, historical structures at 2 coffee shop

MAS exciting at mas masaya ang mga taong nakadalaw na sa Snow World Manila nang magbukas ito ngayong taong ito. Mas pinalaki na kasi ang snow play area na makapaglalaro sila sa snow. Mas ginawa ring exciting ngayon ang kanilang man made ice slide na sinasabing pinaka- mahabang man made ice slide sa buong mundo.

Ang Snow World Manila ay itinuturing na ring isa sa pinakamaganda, at pinaka-modernong indoor snow attraction ng International Society of Ice Carvers, na siyang organizer ng World Ice Art Championships na ginagawa sa Fairbanks, Australia taon-taon. Dahil din naman sa pagkilalang iyan kaya lalo namang pinaganda pa ang Snow World. Sa taong ito nga, itinampok din nila ang mga nagtataasang mga building at historical structures mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ginawa na ring dalawa ang coffee shop sa loob ng Snow World na maaaring magpahinga at uminom ng mainit na kape kung napagod na sa paglalaro at pamamasyal.

Hindi rin tulad ng ibang snow attractions na bilang lang ang mga araw, ang Snow World ay bukas araw-araw at madarama ninyo ang winter araw-araw sa buong isang taon. Marami ring iba’t ibang nababagong attractions para ang mga nakapunta na ay may makitang pagbabago ulit sa kanilang pagbabalik. Kung ano ang okasyon, iyon din ang gayak ng Snow World.

Ang Snow World na matatagpuan sa Star City ay bukas na ngayon araw-araw mula 4:00 p.m. kung simpleng araw at mula 2:00 p.m. ng Biyernes hanggang Linggo. Ito lamang ang nag-iisang tunay na snow attraction sa ating bansa at ngayon nga ay sinasabing isa sa pinakamaganda sa buong mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …