Friday , November 22 2024

Sindikato sa PCSO maaresto kaya nina ex-PNP Gen. Jose Jorge Corpuz at Marine Major Gen. Alexander Balutan?

NAUNA nang sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na  ang gusto niyang italaga sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ay ‘yung ‘KILLER!’

Dahil ‘yan daw PCSO ay isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya sa pamahalaan.

Agree tayo riyan, Mr. President!

Kaya ang itinalaga niya bilang Chairman na awtomatikong miyembro ng Board of Directors ay si dating PNP Gen. Jose Jorge Corpuz; at  general manager naman si dating Marine Major General Alexander Ba-lutan, member din ng Board of Directors.

Klarong-klaro na ang PCSO ay ‘sadlakan’ ng mga dapat bayaran ng ‘utang na loob’ at ginagawang salukan at sandokan ng salapi ng mga ‘politikong’ nailuluklok sa Malacañang.

Pero ang nakaririmarim dito, ‘yang PCSO, ay isang ahensiyang supposedly ay tumutulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong-pinansiyal sa kanilang pangangailangang pinansiyal lalo na ‘yung mga nasa ospital at nakaratay dahil sa terminal illness gaya ng cancer.

FYI lang po, ang PCSO ang namamahala sa Lotto, STL, EZ 2 at iba pang lisensiyadong game of chance na tinatangkilik ng marami nating mahihirap na kababayan sa pag-asang maka-jackpot sila nang milyones para mabago ang kanilang buhay.

Alam naman ninyo sa isang bansang nahulmaan ng kulturang piyudal at kolonyal, marami ang naniniwala na ‘salapi’ ang sukatan ng magandang buhay.

Anyway, mas marami ang mga taong ganyan ang kaisipan lalo’t ang lahat ng materyal na pangangailangan sa mundo ay ‘matagumpay’ na naikabit ng sistemang kapitalismo sa komersiyalismo.

Ibig sabihin lang po, ang nagpupundar ng kuwartang pumapasok sa PCSO ay mula sa pasampo-sampong piso o pabeinte-beinte pesos na taya ng isang pangkaraniwang mamamayan o ‘yung mga mamamayan na umaasang makukuha nila ang jackpot na milyon-milyones.

‘Yung mga manunugal kasi na masasabi na-ting namumuhunan ay sa Casino natin nakikita.

Pero gaya nga ng sinabi ng Pangulo, mara-ming  eskema sa loob ng PCSO ang ginagamit ng mga nuknukan sa kasuwapangan sa salapi.

Pinakamaraming eskema na dapat busisiin sina Chairman Corpuz at GM Balutan sa ADVERTI-SING and marketing ng PCSO.

Kapag mga dukha ang humihingi ng tulong, halimbawa, P50,000 ang kailangan, bibigyan ng P10,000 pagkatapos nang paulit-ulit na pagpapabalik-balik.

Pudpod na ang tsinelas, ang laki pa ng nagastos sa pasahe tapos P10,000 ang ibibigay sa pangangailangan na P50,000.

Wattafak!?

Pero kapag ang mga kliyente nilang ad agency o binibigyan na TV/RADIO ads, milyon-milyones ang inire-release na tseke!

Nakapagtataka na wala namang ibang negos-yo o hanapbuhay pero ang gagara ng bahay, kotse at nakapagpapaaral sa mga hi-end na eskuwela-han ang mga anak ng mga hinayupak na manggagantso sa PCSO!

Pero ‘yung mga dukha nating kababayan, na-ngamamatay na hindi nalalapatan ng lunas sa mga public hospital. Hindi ‘raw’ kasi nagbibigay ng tulong ang PCSO kapag nasa private hospital ang pasyente. Kahit ‘yung mga pasyente sa payward ng mga public general hospital.

Sana nga ay totoo ‘yan!

Kaya ang mga pasyenteng umaasa sa tulong nila sa charity ward ng mga public hospital nagpapa-confine. Nagtitiyaga sa sobrang init at inconvenience sa nasabing ward.

O baka naman kasama pa rin ‘yan sa eskemang huthutan at palakasan?!

Palalabasin na nasa public hospital ‘yung kaibigan o kaanak nila pero naka-confine pala sa St. Luke’s o kaya ay dialysis patient sa mga mamamahaling ospital.

Mr. President, please lang po, sana’y busisiin nang maigi nina Chairman Corpuz at GM Balu-tan ang sandamakmak na ‘eskema ng pagnanakaw’ diyan sa PCSO.

Doon naman sa mga hindi tinatamaan ng kahihiyan sa katawan at patuloy na nagpapakalinta sa pondo ng PCSO — bahala na ang mga kaluluwa ng mga naagrabyadong pasyente sa inyo!

Ang tatakaw ninyo! Mga hidhid!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *