Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matinggerang aktres, napahiya nang komprontahin ng ninakawang aktres

SA mga susunod na buwan ay tiyak na magiging visible ang isang magandang aktres, may tinatarget na kasing playdate ang kanyang bagong movie. Therefore, haharap siya sa press.

But here’s hoping na huwag sanang pag-usapan ng press behind her back ang isang ‘di malilimutang kuwento tungkol sa pagiging malikot pala ng kanyang kamay.

Isang insidente ito na napansin ng kanyang co-actress ang suot-suot na mamahaling sinturon. Tanong sa kanya ng katrabaho, “You know what? I also have a belt that looks exactly like the one you’re wearing. By the way, where did you buy that?”

Sagot naman ng “matinggerang” aktres na astang mayabang pa raw, “I bought this in Greenhills.” Ganting sagot naman ng nagtanong, “’Yung akin kasi, I bought it in the States but I lost it. Is it okay if I take a look at your belt?”

Hinubad naman ng aktres ang sinturon, pero nagulat na lang daw siya nang sabihang, “Alam mo, this is my belt. This is my missing belt.”

Nakakatiyak daw ito na pagmamay-ari niya ang naturang accessory dahil naka-engrave pa ang initials ng kanyang pangalan sa buckle nito.

Da who ang “klepto” actress?  Itago na lang natin siya sa alyas na Kathleen Veneracion.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …