Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Giyera ng AFP vs ASG nagbunga na!

BUNGA nang walang humpay na operasyon ng tropang gobyerno laban sa Abu Sayyaf Group (ASG), pinalaya ng mga terorista ang kanilang bihag na si Norwegian national  Kjartan Sekkingstad nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa  Brgy. Buanza sa Indanan, Sulu.

Indanan, isang lugar na hindi tinigilang bakbakan ng militar simula nang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pagdurog sa ASG makaraan nilang pugutan ang 18-anyos na anak ng isang court stenographer nitong nakaraang buwan.

Bagamat may ulat na may nagbayad daw ng P50- milyong ransom para sa kalayaan ng dayuhan, hindi pa rin pinalaya ng ASG si Sekkingstad. Pero ang ating gobyerno nananatili pa rin sa no ransom policy.

Sa kabila na may tumubos na kay Sekkingstad, siya ay nananatili pa rin sa kamay ng ASG sa loob ng isang buwan.

May tumubos man at hindi pa pinalalaya ang dayuhan, hindi pa rin nagbago ang direktiba ni Pangulong Duterte sa pagsugpo sa ASG.

Kaliwa’t kanang opensiba pa rin ang isinagawa ng AFP na masasabing isa sa dahilan ng pagpapalaya ng ASG sa kanilang bihag nitong nakaraang Biyernes.

Oo nga’t marami ang tumulong sa panig ng gobyerno para sa pagpapalaya ng ASG kay Sekkingstad pero huwag naman natin isantabi ang buhay na itinaya ng mga namatay na sundalo sa mga nagdaang operasyon na masasabing nagpahina din sa ASG kaya pumayag ang ASG na palayain ang Norwegian bunga rin ng negosasyon – sinabing malaki ang naitulong ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Maging si Nur Missuari ani Pangulong Duterte ay may malaking naimbag sa pagpapalaya kay Sekkingstad.

At siyempre, huwag naman natin kalimutan si   Philippine presidential adviser Jesus Dureza na siyang nanguna sa tropa ng gobyernong Duterte sa pangangasiwa ng negosasyon.

Ano pa man, saludo tayo sa mga nasa likod ng pagpapalaya ng ASG kay Sekkingstad. Masasabing ang nasabing accomplishment ay bunga pa rin ng paninindigan ng ating Pangulo na durugin ang ASG. Hindi tulad ng kampanya ng nagdaang Aquino administration na masyadong malambot kaya, namayagpag ang ASG. Hindi lang pala ang Norwegian national ang pinalaya kundi maging ang tatlong Indonesian national.

Uli, ang sabi ng Pangulo walang ransom na ipinatupad sa kalayaan ng apat sa isinagawang negosasyon.

Congrats Pangulong Duterte at sa mga sundalo natin.

***

Collection receipt, puwede ba iyong kapalit ng official receipt?

Attention Bureau of Internal Revenue (BIR) paki-aksiyonan po ito. Nitong Setyembre 8, 2016, bumili tayo ng  Digital piano (ES100) sa Lyric Piano & Organ Corp. na matatagpuan sa  80 Main Horseshoe Drive, Horseshoe, Quezon City. Kailangan kasi ng anak ko sa kurso niya na may kinalaman sa musika.

Cash naman natin binayaran ang piano. Nagtaka ako nang bigyan tayo ng resibong “collection receipt.” Kaya umalma po tayo. ‘Ika ko official receipt ang kailangan ko. Hayun, ang sagot sa atin ay collection receipt daw ang ibinibigay nilang resibo at hindi OR. Ha?!

Anyway, hindi na tayo nakipagtalo para rito pero ang alam ko ang collection receipt ay para lamang sa installment basis (kung hindi ako nagkakamali) at kapag nabuo na ang bayaran, saka ito papalitan ng OR na kinikilala ng BIR para sa komputasyon ng babayarang buwis ng isang kompanya.

BIR Commissioner Caesar R. Dulay, sir, paki-imbestigahan ang estilong ito ng Lyric. Tama ba ang estilo nila?

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …