Monday , December 23 2024

Offshore gaming may go signal na sa PAGCOR

TULUYAN nang sinibak ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang electronic gaming (e-Games) sa mga internet café sa ilalim ng network ng Philweb Corporation na pag-aari ni Roberto Ongpin.

Imbes e-Games, mas pabor ang PAGCOR sa offshore gaming na eks-lusibong tatanggap ng overseas players.

Katunayan bukas na ang PAGCOR sa pagtanggap ng mga aplikasyon o letter of intent mula sa mga aplikanteng pamilyar o may kasanayan sa operasyon ng offshore gaming na makapapasa para makakuha ng lisensiya.

Ang offshore gaming po, kung hindi kayo pamilyar mga suki, ay ginagawa sa pamamagitan ng internet, gamit ang network at software na eks-lusibong ipagagamit sa offshore authorized players.

Sa press release ng PAGCOR, ang offshore gaming license ay maa-aring ipagkaloob sa Philippine offshore- based operator, na inorganisa sa labas ng bansa at makikipag-ugnayan o gagamit ng serbisyo ng PAGCOR-accredited service or support provider para sa online gaming acti-vity.

Tatawagin silang Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Sa pagpoproseso ng aplikasyon ng mga gustong maging POGO, tinatayang daan-daang libo ang kikitain ng PAGCOR.

Sa e-Casinos kailangan nilang magbayad ng US$50,000 at US$40,000 para sa online sports betting operations.

Kapag naaprub ang kanilang aplikasyon, magbabayad ang aplikante ng US$200,000 sa e-Casinos at US$150,000 para sa sports betting.

Ang target na players dito ay mga dayuhang nasa ibang bansa.

Ang mga dayuhan na naririto sa bansa at mga Filipino na nasa labas ng bansa ay hindi papayagang makapaglaro sa eskemang ito.

Hindi rin puwede rito ang mga indibidwal na 21-anyos pababa.

Para maipatupad ito, mahigpit na magmo-monitor umano ang Task Force Pogo na bubuuin ng mga susing tao mula sa PAGCOR, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI).

Layunin umano nito ay upang protektahan ang kapakinabangan ng mga Filipino kasabay nito ay upang maabot ang revenue target ng ahensiya.

Sa papel at sa paliwanag, ang offshore e-Games at e-Casinos ay malaking tulong sa pagtataguyod ng mga institusyon na sinusuportahan ng PAGCOR para sa kapakanan ng mga kababa-yan nating kapos-palad.

Kung matutuwa ang lahat ng mga kababayan nating dukha kapag naging iba ang trato sa kanila ng mga tanggapan at institusyon na itinataguyod ng PAGCOR, maniniwala tayo na ang POGOs ay tunay na makatutulong sa bansa.

Sana nga po ay ganyan ang mangyari at hindi samantalahin ng ilang grupo o ‘sindikato’ na ka-yang-kayang kontrolin ang ganyang klase ng eskema sa e-Games at e-Casino.

Ingat lang po, Madam Chair Andrea “Didi” Domingo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *