ZAMBOANGA CITY- Umaabot sa halagang P30 milyon halaga ng ransom money ang binayaran sa teroristang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu kapalit nang pagpapalaya sa Norwegian national kidnap victim na si Kjartan Sekkingstad.
Ayon sa impormasyon, isang Tahil Sali, commander ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nag-facilitate sa pagbayad ng ransom at pagpapalaya kay Sekkingstad.
Napag-alaman, dakong 8:00 pm nang palayain ng mga kidnaper ang biktima sa Brgy. Buanza sa munisipyo ng Indanan.
Napag-alaman , nagka-brown out sa lugar sa kalagitnaan nang pagpapalaya sa banyagang biktima.
Magugunitang unang isiniwalat mismo sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbayad na ng P50 milyon ransom money sa Abu Sayyaf kaya nagtataka siya kung bakit hindi pa napalaya ang bihag.