HINIKAYAT ng Human Rights Watch na nakabase sa Estados Unidos, ang gobyerno ng Filipinas na hayaan ang United Nations (UN) na imbestigahan ang mga ibinulgar ni Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Brad Admas, Asia director ng grupo, imposibleng imbestigahan ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili kaya mahalagang papasukin ang UN para pangunahan ang imbestigasyon.
Noong 2009, naglabas ang HRW ng report kaugnay sa pagkakasangkot ng mga pulis at local government officials sa Davao Death Death Squad (DDS) killings noong mayor pa ng Davao City si Duterte.
Habang inihayag ni Wilnor Papa ng grupong Amnesty International, ang mga serye ng patayan ay resulta ng kabiguan ng mga nagdaang administrasyon na kasuhan si Pangulong Duterte.