LEGAZPI CITY- Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na susuportahan ng taongbayan sakaling ipatupad na ang mahigpit na kampanya kontra illegal gambling.
Ayon kay PNP chief, Director General NP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, itutuon ng pulisya ang atensiyon sa illegal gambling kapag tiyak na panalo na sa laban sa ilegal na droga.
Binigyang-diin din ng PNP chief, hindi na kailangang pa ng anim buwan dahil matino pa ang mga pag-iisip ng mga sugalero at hindi kagaya ng mga durugista.