MAY pagkatuso rin pala sa pananalapi ang isang aktor na ito, taliwas sa pagkakila ng publiko sa kanya.
Minsan kasi ay nangungutang ng malaking halaga ang isa niyang kaanak, pero nagkataong walang-wala rin siyang perang ipahihiram.
Pero huwag daw mag-alala ang kaanak, pagtitiyak ng bida sa kuwento naming ito. That time kasi ay may malubhang karamdaman ang kanyang biyenan (kung lalaki o babae ay hindi namin sasabihin).
Nagtaka tuloy ang nangungutang na kamag-anak, ano naman daw ang koneksiyon ng kalagayan ng kanyang biyenan sa problema nitong pinansiyal?
‘Yun naman pala, kapag “natuluyan” daw kasi ang may sakit na biyenan ay tinitiyak ng aktor na mayroon siyang ganansiyang matatanggap mula sa pagkategi nito.
Da who ang wais palang aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Maverick Alcantara.
( Ronnie Carraso III )