Monday , April 14 2025

9 sugatan, 1 kritikal sa bumaliKtad na jeep

CAUAYAN CITY, Isabela – Sampu ang sugatan, kabilang ang isang kritikal ang kalagayan, makaraan bumaliktad ang sinasakyang jeep sa Alicia, Isabela kamakalawa.

Ang mga kabataang miyembro ng Praise of God Church ay dinala sa Integrated hospital ng San Mateo, Isabela para malapatan ng lunas.

Malubha ang kalagayan ng isa sa mga biktima na kinilalang si Jessiebeth Mesa kaya inilipat sa ibang ospital.

Sinabi ni Pastor Gregorio Oliveros ng Praise of God, sakay sila ng inarkilang jeep at patungo sana sila sa Maddela, Quirino para sa aktibidad ng kanilang simbahan.

Nang makarating sila sa Alicia, Isabela, napansin ng pastor na mabilis ang takbo ng kanilang sinasakyang jeep kaya’t tinanong ang driver ngunit hindi na makontrol ang manibela hanggang sa nahulog sila sa palayan at bumaliktad ang jeep.

About hataw tabloid

Check Also

Taguig

Campaign funds ni Rep. Zamora, ‘iniyabang’ ni Abby sa Taguig

LANTARANG ipinagyabang ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘limpak-limpak’ na campaign funds ni incumbent Rep. …

Carlo Aguilar

Carlo Aguilar, nais itaas sa ₱50K-health benefits ng kalipikadong Las Piñeros sa Green Card Program

NANAWAGAN si Las Piñas City mayoral candidate Carlo Aguilar ng malaking upgrade sa programang pangkalusugan …

Mitch Cajayon-Uy

Rep. Mitch Cajayon-Uy waging kongresista sa Caloocan District 2 — OCTA Research

NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, nangakong kikilos laban sa labor rights violations sa PH

IPINAHAYAG ng TRABAHO Partylist ang matinding pag-aalala sa inilabas na ulat kamakailan na nagtala ng …

041125 Hataw Frontpage

P139-M basura scandal  
MALABON MAYOR, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *