KARAGDAGANG 56 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa anti-drug operation ng mga pulis, barangay officials at Muslim tribal leaders sa Quezon City nitong Sabado.
Sa nasabing pag-aresto na isinagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Salam compound ng Brgy. Culiat, umabot na sa kabuuang 141 suspek ang nadakip ng mga awtoridad, ayon sa inisyal na ulat ng pulisya.
Sa naturang pagpapatuloy nang ipinatutupad na “Oplan Tokhang/Galugad” operations sa lugar, nakompiska ng mga awtoridad ang ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay dinala sa Camp Karingal sa Quezon City, ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar.