ALINSUNOD sa deklarasyon ni Pangulong Duterte na magkaroon ng malayang patakaran ang bansa, magsasagawa ang Citizens Crime Watch (CCW) ng national summit on crime and corruption prevention and socio-economic development sa Setyembre 27 at 28 sa University of Asia and the Pacific (UA&P) sa Pearl Drive, Ortigas Business Center, Pasig City.
Ang pagpupulong ay sa pakikipagtulungan sa Center for Research and Communication na isinasabay din sa pagtatapos ng isang taon pagdiriwang ng 150th kaarawan ni Gen. Miguel Malvar, ang bayani ng 1898-1902 Phil-American War.
Isang pre-summit conference ang isinagawa nitong Agosto 30, Araw ng mga Bayani, sa Astoria Plaza Hotel, Pasig City, upang pag-usapan ang mga socio-economic programs at kampanya sa pagsugpo ng korupsiyon ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Jose Malvar Villegas Jr., CCW chairman at apo ni Gen. Malvar, matataas na opisyal, sa pangunguna nila Senate President Aquilino Pimentel III at Speaker Pantaleon Alvarez, ang inaasahang magsasalita sa pagpupulong na dadaluhan ng 350 katao.
Sabi ni Villegas ang okasyon ay magpapaigting din sa kampanya ng pagbili ng mga produktong Filipin0 laban sa “economic freedom.”
Ang tema ng pagpupulong ay “Integrating Crime and Corruption Prevention and Socio-Economic Development Vision of the Duterte Watch.”
Ang mga inimbitahang magsasalita ay sina CRC director at founder Dr. Bernardo Villegas, dating ambassador at Makati Business Club founder Jose Romero Jr., dating labor secretary at Trade Union of the Philippines president Ruben Torres, UA & P professor Dr. Antonio Torralba, at Volunteers Against Crime and Corruption presidente Martin Dino.