Monday , December 23 2024

Nakababato ang mga kuwento ni Matobato

MGA kababayan naniniwala pa ba kayo sa Senate hearing na pinamumunuan ni Senadora Leila De Lima tungkol sa extrajudicial killings?

Aaminin ng inyong lingkod na noong una ay nagtiyaga tayong panoorin at pakinggan ang hearing. Normal lang po sa amin ‘yun bilang isang mamamahayag. Kailangan namin panoorin ang nasabing hearing at maging objective sa panonood.

Kaya nga sinasabi natin, nagtiyaga talaga tayong manood.

Akala natin ‘e masusulit ang ating pagsubaybay sa hearing pero…

Sonabagan!!!

Sumakit ang ulo ko kay Delilah’s ‘este De Lima’s witness Edgar Matobato!

Si Matobato, ang self-confessed hitman umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa napababalitang Davao Death Squad (DDS).

Sinikap pa rin nating maging objective kaya tinanong natin ang ilang mga kaibigang pulis at imbestigador kung ano ang tingin nila kay Matobato?

Iisa ang sagot nila in unison… kung hindi mananahi ‘e maglulubid si Matobato…

Mahilig magtahi-tahi ng kasinungalingan at eksperto sa paglulubid ng buhangin!

Mismong si Senator Panfilo “Ping” Lacson ay duda sa motibo at intensiyon ni Matobato.

Bilang co-chairman ng committee na nag-iimbestiga ‘e hindi nga siya nasabihan ni De Lima na may isang testigo silang ihaharap kamakalwa.

Ilang taon nang pinag-uusapan ang DDS at ilang imbestigasyon na ang ginawa tungkol diyan pero walang lumutang na Matobato.

Kung kailan naging presidente si Digong at pumutok ang isyu ng pagkakaugnay ni De Lima sa illegal drug trade sa National Bilibid Prison (NBP) ‘e biglang lumutang ang isang Matobato sa Senate hearing na ang babaeng Senador ang committee chairperson?

Kesyo may pinatay umano siya na halos 200 bala ang inubos niya.

Wattafak?!

‘E ano na ang itsura ng bangkay? Giniling na baboy!

Ang kanyang mga detalye o kuwento ay magkakalayo na parang pilit pinagdidikit.

Kumbaga, kuwentong kutsero na parang gustong gawing pelikula…

At higit sa lahat, bakit ngayon pang presidente na si Digong saka pa niya naisipang isiwalat ang kanya umanong nalalaman?!

Ang lakas naman ng loob niya?! ‘Di ba dapat noon pa niya ginawa ‘yan?

Tingin natin ‘e, sayang lang ang oras sa pagdinig na ‘yan sa Senado.

Kung hindi man nanghihinayang si Senadora De Lima sa pera ng bayan na ginagastos sa hearing na ‘yan.

Manghinayang man lang sana siya sa ‘oras’ ng mga taong napipilitang makisangkot alang-alang sa ‘ginagahasang’ katotohanan.

Ano ba talaga ang agenda ninyo Madame Senator!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *