Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot tiklo sa tangkang rape sa Malaysian tourist (Sa Boracay)

KALIBO, Aklan – Swak sa kulungan ang isang lalaki nang tangkaing gahasain ang isang turistang Malaysian sa isang hotel sa isla ng Boracay kamakalawa.

Personal na dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) si Zhen Hong Chong, 28, upang ireklamo ang tangkang panggahasa sa kanyang kaibigan na si Kia Yew Sia ng hindi muna pinangalanang suspek.

Ayon kay Chong, naabutan niya ang kaibigan na hubo’t hubad at lasing na lasing kasama ang suspek na walang saplot pang-itaas habang nakahiga sa kama.

Nang sumigaw at humingi ng tulong si Chong ay nagalit ang suspek at pilit siyang pinatatahimik.

Nagkaroon aniya ng komosyon sa loob ng hotel room at sinaktan siya ng suspek.

Agad naaresto ng nagrespondeng mga pulis ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng BTAC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …