Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, namroroblema sa rami ng pets na ibinibigay ng fans

ANAK ng nanay niya! Dati pa, sinabi na ni Janella Salvador na bilin ng kanyang inang huwag muna siyang magbo-boyfriend kahit pa tumuntong na siya ng 18.

Mukha namang true to her promise ang dalaga. At nang dalawin namin ito sa set ng Born for You na matatapos na with a grand LIVE finale sa Biyernes (Setyembre 16) sa KIA Theater, zero pa rin at wala pang nagma-may-ari ng kanyang puso. Kahit pa ramdam ng maraming may itinatangi na itong pagtingin sa kanyang leading man na si Elmo Magalona.

Kasi naman, kauting-kibot, nakadalaw na agad ito kay Elmo sa tahanan nito sa Antipolo para lang magdala ng pizza nang hindi ito makasama sa jogging nila. Pero wise si Janella, ha! Bukod sa pizza eh, binitbit din nito ang kanyang inang siJenine Desiderio, Safe nga naman.

More than being lucky sa sunod-sunod naman na oportunidad na dumarating sa kanya, Janella feel blessed at ayaw na nga raw niyang isipin what she did to deserve all these gifts in her career.

Maaaliw ka naman sa palagayan nina Janella at kanyang ina—sa social media accounts niya nagsa-shout out lagi si Jenine. Lalo na nitong mga nakaraang araw na nagmistula na raw zoo ang bahay nila dahil sa sari-saring pets na inireregalo kay Janella ng kanyang mga tagahanga. They can only take one pet lang daw sa bahay at hindi rin naman ito maaasikaso ni Janella. Na nagiging dahilan na rin daw ng pag-alis ng kanilang mga kasambahay.

Well, Janelle should learn the art of saying no sa mga live pet na inireregalo sa kanya. Sa Biyernes, pwede niyang ipa-rafle ang mga cute na pets para naman may sumaya ring ibang tagahanga niyang ang hilig naman eh, mag-alaga ng mga aso at pusa o iba pa mang hayp. ‘Di ba? Or else, sa zoo na lahat mapapadpad ang mga ito!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …