IDINEPENSA ni Department of Justice (DoJ) Sec. Vitaliano Aguirre II ang paglipat ng high profile inmates na sinasabing sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP), sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp Aguinaldo.
Depensa ni Aguirre, may banta sa buhay ang inmates sa loob ng NPB kaya’t hiniling nilang mailipat sa ibang piitan.
Ayon kay Aguirre, ang inmates na nanganganib ang buhay ay ang mga bilanggong nakapagbigay na ng kanilang mga testimonya para tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima.
Sila aniya ang magpapatunay na mayroon talagang illegal drug trade sa loob ng NBP at ang dalawa sa mga testigo ay umamin na sila mismo ang naghahatid ng drug money sa bahay ng senadora.