INIHAYAG ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, dapat abangan ang nakatakdang pagdinig ng House Committee on Justice sa susunod na linggo kaugnay sa pamamayagpag ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).
Sinabi ni Sec. Aguirre, dito malalaman at ilalahad ng mga testigo kung bakit naipagpapatuloy ng drug lords ang kanilang operasyon kahit nakakulong na.
Ayon kay Aguirre, aasahan ang testimonya ng mga testigo kagaya ng bigtime drug dealer na si Herbert Colangco hinggil sa sinasabing pagde-deliver ng drug money sa bahay mismo ni Sen. Leila de Lima kaharap ang driver na si Ronnie Dayan.
Ngunit itinanggi ng kalihim na may kapalit ang pagtestigo ng high-profile inmates laban kay Sen. De Lima.