Saturday , November 16 2024

8 suspek, pulis patay sa anti-drug ops sa Caloocan

WALONG drug suspects at isang pulis ang namatay sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa tatlong barangay sa Caloocan City nitong Huwebes ng gabi.

Tatlong suspek ang napatay sa shootout sa Brgy. 93 dakong 11:30 pm. Kinilala ng mga awtoridad ang mga napatay na magkapatid na sina Ronald at Reagan Montoya, habang hindi pa nakikilala ang isa pa.

Ngunit ayon kay Aurea Villaroman, kinakasama ni Reagan, wala sa kanilang bahay si Ronald nang maganap ang insidente.

Aniya, ang isa pang napatay na kasama ni Reagan ay kapatid niyang si Daniel Capampangan. Habang ang lalaking hindi pa nakikilala ay hindi nakatira sa kanilang bahay.

Sa operasyon sa Brgy. 29, dalawang suspek na kinilalang si Julian “Ipe” Daita, at isang alyas Gari ang napatay habang tatlo ang naaresto. Dalawa sa naaresto ay mga babae.

Dalawa pang drug targets na kinilalang sina Jerson Maturan at Francis Martinez ang napatay sa police operation sa Brgy. 178.

Napatay rin sa insidente ang isang pulis na kinilalang si PO1 Romeo Mandapat at nasugatan sina PO1 Bayani Auditor at PO2 Rolando Tagay.

Sa Brgy. 188, napatay ng mga pulis ang suspek na si Alberto Alchico sa buy-bust operation sa Phase 12.

Samantala, dakong 12:30 am, naglalakad ang mga biktimang sina Freddie Agsalud at Filipinas Israel sa Phase 5A, Block 1, Brgy. 176, Bagong Silang nang bigla silang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiko. ( ROMMEL SALES )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *