Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

14-anyos HS student ‘dinakma’ ng laborer

NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang isang 37-anyos construction worker makaraan dakmain ang ari ng isang 14-anyos dalagitang high school student sa Ermita, Maynila, kahapon.

Agad naaresto ang suspek na si Leno Colon y Merano, tubong Iloilo City, at stay-in sa itinatayong gusali sa San Marcelino St., sa Ermita.

Habang na-trauma ang biktimang si Jenny, Grade 7 pupil sa Araullo High School at residente sa Singalong St., Malate.

Batay sa ulat ni SPO1 Thelma Samodio, ng MPD-Children and Women Protection Unit, dakong 2:00 pm nang maganap ang insidente malapit sa gate ng nasabing paaralan sa United Nations Avenue sa Ermita.

Ayon sa salaysay ng dalagita, nang makasalubong niya ang suspek ay bigla na lamang dinakma ang kanyang kaselanan sabay sabi ng katagang “Malaki na.”

Isinumbong ng mga saksi ang insidente sa mga tauhan ng Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) na nagresulta sa pagkakadakio sa nasabing suspek.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …