Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mala-Oprah Winfrey na show ni Tetay sa GMA, kasado na (Bilang pre-programming ng Eat Bulaga!)

ITO ang scoop na mismong pinaputok ni Tita Cristy Fermin sa Wednesday edition ng kanyang Cristy Ferminute sa Radyo Singko (where this writer is her co-anchor).

Huwag lang magbabago ang plano ay kasado na ang APT-produced talk show ni Kris Aquino. Pre-programming ito ng Eat Bulaga (na prodyus naman ng Tape, Inc. ni Mr. Tony Tuviera) at makakatapat mismo ng Gandang Buhay sa time slot dati ng Kris TV.

So, unti-unti na palang nagkakahugis ang TV career ni Kris kung paanong “tinabla” siya ng mga executive ng ABS-CBN (kaya nga siya lumipat, ‘di ba?) begging for time slot again.

Ang gusto umano kasing mangyari ni Kris, the moment she got back from her vacation ay ibigay muli ang dating oras ng Kris TV, bagay na pinalagan ng network. Kabastusan at kawalan nga naman ng respeto ang hakbang na ‘yon kina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros gayong ang mga ito na nga ang sumalo sa binakanteng time slot ni Kris.

Going back to Kris’ would-be morning show, teka, para lang Ryza Mae Dizon ang peg niya, ha? But of course, Kris Aquino will always be Kris Aquino. Without a doubt, aabangan maging ng ABS-CBN ang ipantatapat niya sa estasyong nilayasan niya.

Ito na ba ‘yung sinasabing mala-Oprah Winfrey ang peg na show? APT nga lang ba ang magpo-prodyus nito? Or eventually ay papasok na rin si Kris as co-producer tulad ng nais naman niyang mangyari kalaunan?

Known for her sanrekwang demands, matugunan naman kaya ito ng APT? Hanggang kailan naman kaya ang “honeymoon experience” ni Kris at ni Mr. Tuviera?

Masagot kaya ito ni Keempee de Leon?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …