MATAGUMPAY ang isinagawang Entrep Fair kamakalawa, Setyembre 14, 2016 sa Gallanosa National High School sa Irosin, Sorsogon.
Sa nasabing okasyon ay iba’t ibang produkto ang mga ginawa at ipinagbili ng mga estudyante mula sa STEM 1, STEM 2, ABM 1, ABM 2 at BPP ng nasabing paaralan.
Layunin ng aktibidad na makalikha ang mga estudyante ng mga produktong gawa sa mga lokal na “resources”, makagawa ng “promotional activity o advertisement” gamit ang teknolohiya at mapaunlad ang kanilang “communication skills” sa pamamagitan ng pag-endorso ng kanilang mga produkto.
Ayon kay Dr. Eduardo A. Morato Jr., ang ganitong aktibidad ay naglalayong mailabas ang natural na “entrepreneurial abilities” ng mga estudyante at mahasa ang kanilang kakayahan at kagalingan sa paghahanap ng mga oportunidad sa gitna ng krisis at sila ay mahikayat sa mapagkakakitaang mga gawaing pangkabuhayan.
Layon din nitong maging bahagi ng katuparan nang ipinatutupad na K to 12 Basic Education Programs sa pamamagitan ng pagbubuo ng “holistically develop learners” na taglay ang 21st century skils.
(SIMONA JUDY F. ESTILLERO)