Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alora, naiyak sa mensahe ni Juday; dream makasama sina Arjo, Daniel at Coco

NAKATUTUWANG maraming project si Alora Sasam. Bukod sa araw-araw siyang napapanood sa Doble Kara ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN, kasama rin siya sa biggest movie nina Alex Gonzaga at Joseph Marco, ang My Rebound Girl handog ng Regal Entertainment Inc. na mapapanood na sa Setyembre 28.

Hindi naman kataka-takang hindi nababakante si Alora dahil magaling siya lalo na sa komedya. Pero tulad ng iba, nangangarap din siyang makasama sa mga proyekto sina Arjo Atayde, Coco Martin, at Daniel Padilla. Pero sa tatlo, si Arjo ang pinakagusto niya dahil bukod sa magaling daw ito’y crush niya pa ang actor na isa sa bida sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Ang galing kasi niya (Arjo). Dati ko pa siyang naririnig sa workshop. Nag-start din siya sa workshop ‘yung pa workshop ng Star Magic and galing din ako roon. Then one time, gusto ko talaga siyang makaeksena kaso nagka-project na yata siya. Hindi na natuloy ‘yun,” panimula ni Alora nang makausap namin after ng presscon ng My Rebound Girl.

“Gusto ko ring makasama si Coco kasi magaling din. Magaling talagang actor. Naa-amaze ako sa mga ganoong actor at saka ang passionate niya. Nakatrabaho ko siya sa ‘Ikaw Lamang’ tapos tinututuruan kami. Kunwari sablay ka ganyan-ganyan. Binibigyan ka niya ng advice, kahit nga financial advice binibigyan niya ako eh. Wala namang datung hahaha. Advise lang hahaha. Hinihintay ko nga (pera) ‘yun eh.

“Pangatlo ko si Daniel Padilla bilang ipinalalabas ngayon ang ‘Barcelona’ . Ang guwapo niya roon at may spoof kaming ginawa sa Star Magic anniversary, music video ‘yun sa ‘ASAP’. Napa-text talaga ako kay Kathryn (Bernado). Sabi ko, ang sarap mong maging ikaw kasi ang gentle woman niya.

“Medyo maputik ‘yung damuhan, siya talaga ang naglagay ng paper para upuan ko tapos sabi niya higaan ko raw ‘yung kamay niya. Ang sarap niyang mag-alaga, ang sarap maging Kathryn Bernardo at ang galing niya sa ‘Barcelona’,” ang tila kinikilig-kilig pang kuwento ni Alora.

Naikuwento rin ni Alora na medyo nainggit siya kay Kiray na unang nahalikan ni Arjo. “Napag-usapan namin iyan ni Kiray. Actually hindi niya alam na crush ko na si Arjo noon. Sabi ko ‘Kiray ang suwerte mo first kiss mo siya.’ Pinagkukuwentuhan lang naman namin sa text sabi nga niya, ‘oo nga eh, ibinigay ko na.’ hahaha. ‘Suwerte mo teh.’ Sabi ko pa sa kanya.”

Sina Judy Ann Santos at Eugene Domingo naman ang mga artistang tinitingala at idolo niya.

“Sila talaga ‘yung mga gusto ko. Siyempre forte ko yung comedy alam ko ‘yun pero ayoko rin namang makahon, kaso ‘yun talaga ang ibinibigay na trabaho ayaw mo naman ayawan, blessings ‘yun eh. Ayoko lang makahon. Kaya nagwo-workshop palagi.

“Parehong hindi ko pa sila nakakatrabaho hanggang parinig lang ng Instagram. Pero nagre-reply sila, nagco-comment. Puro goodwords naririnig ko sa kanya (Juday) bilang sa Dreamscape rin siya. Sinagot niya ako na ‘sana makatrabaho rin kita’. Naiyak talaga ako sa reply niyang iyon.”

Hinahanggan din ni Alora ang kasamahan niya sa Doble Kara na si Julia Montes. “Ang galing ni Julia, super galing niya. Minsan sobrang pagod siya tapos ‘yung rehearsal ‘di pa niya ibinibigay. ‘Pag take na ay grabe umiiyak na siya sobrang madadala ka sa kanya sobrang galing niya.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …