Monday , December 23 2024

P7.5-M ecstacy drugs nakompiska

091516-faeldon-boc-ecstacy
Sinisiyasat ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang nasabat na tinatayang 4,000 piraso ng ectasy na may halagang P6 milyon at shabu sa isang pakete sa Manila Central Post Office. sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan ang mga ectasy at shabu ay nakuha sa 5 pakete , tatlo dito ay naka-consigned sa isang Don Arnold habang ang dalawa ay naka-consigned sa isang Martin Domingo, pawang nagmula sa Netherlands ( BONG SON )

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tangkang pagpuslit ng 5,000 piraso ng ecstacy tablet sa lungsod ng Maynila gayondin ang amphetamine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.

Sa pagtaya ng mga imbestigador, nasa P7.5 milyon ang halaga nang naharang na mga droga.

Napag-alaman, idinaan ang mga kontrabando sa Central Post Office at idineklarang mga laruan.

Ilan sa mga tableta ay isinama sa ilang set ng puzzle para itago sa mga inspeksiyon.

Lumalabas na nagmula ang mga kontrabando sa The Netherlands at gumamit ng online transaction gamit ang mga pekeng pangalan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *