BAHAGYANG bumagal ang takbo ng bagyong Ferdie habang papalabas sa karagatang sakop ng Filipinas.
Ayon sa PAGASA, mula sa 22 kph kahapon ay naging 20 kph na lang ito habang patungo sa kanluran hilagang kanlurang direksiyon.
Huli itong namataan sa 150 km hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 220 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 255 kph.
Nakataas pa rin ang signal no.3 sa Batanes Group of Islands, signal no. 2 sa Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, Apayao at Northern Cagayan, habang signal no. 1 sa natitirang parte ng Cagayan, Kalinga, Abra at Northern Ilocos Sur.
Samantala, patuloy ang paglapit ng bagyong Gener na may international name na “Malakas”.
Huling natukoy ang panibagong bagyo sa layong 1,025 km silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Bagama’t hindi ito inaasahang magla-landfall, posible pa ring humatak ito ng habagat at magdala nang matinding buhos ng ulan.