Saturday , November 16 2024

Duterte gusto nang tuluyang makalaya ang Filipinas mula sa kuko ng Amerika

091516-duterte-moro-bud-dajo
ANG labi ng mga Moro, kasama ang mga bata at mga babae na biktima ng ‘masaker’ ng US troops sa Battle of Bud Dajo, Mindanao noong Mars0 7, 1906. Ito ang larawang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa pang postcard ng mga Amerikano para ipagmalaki sa buong mundo. Hanggang ngayon ay hindi humihingi ng tawad ang Estados Unidos sa nasabing war crime na ginawa ng kanilang mga sundalo.

WALA nang iba pang pinakahahangad ang Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi makamit ng Republika ng Pilipinas ang tunay na kalayaan mula sa United States.

Sa pananaw ni Policy Studies Group (PSG) National Capitol Region (NCR) Head Jose Antonio Goitia, isang pagpapatunay ang aksiyon ni Pangulong Duterte na paalisin na ang puwersang US na nananatiling nakatalaga sa Mindanao para matamo ang tunay na kalayaan ng ating bansa.

“Ang hiling ni Pangulong Duterte para sa pag-pull out ng lahat ng US troops sa Mindanao ay isang pruweba na higit pa ang kanyang kritisismo sa US hinggil sa mga sinasabing human rights violations issues na binanggit ng US State Department at ni President Barack Obama. Dito nakikita ang mas malinaw na intensiyon ni Pangulong Duterte: ang makawala na tayo sa anino ng US at ang makamit ang tunay na independent foreign policy,” ani Goitia.

Iginiit ni Goitia, PDP Laban Membership Committee NCR Chair at concurrent President ng PDP San Juan City Council, na puno ng kaguluhan, pagmamaltrato at hindi patas na pagtingin sa mismong mga Filipino sa sariling bansa ang naitala sa kasaysayan ng US at Filpinas.

“Maraming Filipino, partikular na ang mga Moro, ang napatay noong US occupation sa mga isla ng Filipinas sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Kahit nga ipinagkaloob pa ng US sa Filipinas ang kalayaan natin noong 1946, hindi pa rin inamin ng US government ang kanilang nagawang pananakop sa atin at hindi rin nabayaran ng anumang danyos ang mga napatay sa panahon ng pananatili nila sa ating bansa,” diin ni Goitia.

Inilinaw niyang mahalagang mensahe ni Duterte ang mga katagang “I am a President of a sovereign state, and we have long ceased to be a colony. I do not have any master except the Filipino people” ngunit tila hindi ito napansin ng international media dahil higit nilang pinagtuunan ang sinasabing pagmumura niya kay US Obama.

“Wala naman kasing tunay na dahilan kung bakit ipinaiiral ng mga Moro secessionist rebels ang armadong pakikibaka dahil sa matagal nang pananakop ng US sa atin. Ito ang iginigiit ni Duterte na hangga’t may puwersang US sa Mindanao ay hindi makakamit ng bansa ang kapayapaan,” giit ni Goitia.

Ayon sa opisyal ng PDP Laban, hindi lamang ang kapayapaan sa Mindanao ang nakataya sa mga huling ipinahayag ni Duterte. Nasisilip ng mga lokal at dayuhang analyst na isang paraan niya ito upang makalayo sa US para mawakasan ang katayuan ng bansa bilang outpost ng Washington D.C. sa Southeast Asian region.

“Isang napakahalagang pangyayari ito sa krusyal na estado ng labanan ng US at China, gayondin ng Russia. Dulot ng pabago-bagong realidad na nagaganap sa daigdig, dapat maging maingat si Duterte na huwag mailagay sa line of fire ang Filipinas sanhi ng pananatili ng US forces sa ating bansa na isa namang malaking banta sa China,” ani Goitia.

Para kay Goitia, hindi masasabing anti-Obama ang mga ginawang pahayag ni Duterte na kagaya ng sinasabi ng kanyang mga kritiko kundi isa itong paraan upang maprotektahan ng Pangulo ang nasyonal na interes at seguridad ng bansa.

“Sa gitna ng mainitang pagtatalo sa West Philippine Sea, hindi dapat ipamalas ng ating gobyerno na isa tayong banta sa China. Hindi lamang ang yamang dagat sa West Philippine Sea ang nakataya rito kundi pati ang kabuhayan ng overseas Filipino workers sa Hong Kong, Macau at mainland China. Ito ang malinaw na imahe na hindi nakikita ng local at foreign media,” dagdag ni Goitia.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *