ILANG international at domestic flights ang kinansela kahapon dahil sa masamang lagay ng panahon sa Northern Luzon, bunsod ng bagyong Ferdie.
Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), apat na international flights ang hindi pinayagan at maaari pa itong madagdagan.
Kabilang rito ang eroplanong galing sa Kaohsiung, Taiwan at return flight nito.
Apektado rin ang tatlong patungo ng Basco, Batanes at Laoag, Ilocos Norte, pati ang return flights sa Metro Manila.
Maging ang mga biyahe ng mga barko ay pinagbawalan dahil sa 14 metrong taas ng mga alon.