INILATAG na ng Department of Health (DoH) ang health agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na anim taon.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, nangunguna sa listahan ng Pangulo na maging malusog at makaiwas sa sakit ang mamamayan.
Ayon kay Ubial, target ng Duterte administration na sumailalim sa mandatory check-up ang 20 milyong mahihirap na Filipino sa buong bansa.
Paliwanag ni Ubial, ang target na 20 milyon ay mga mahihirap na pamilya na nasa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Target din ng Duterte administration na makamit ito sa susunod na 100 araw o bago mag-Pasko.
Sa ngayon ayon kay Ubial, libreng check-up lamang muna ang iaalok ng DoH at kapag na-detect na may sakit, bibigyan ang mga pasyente ng gamot o sasagutin ang pagpapagamot o pagpapa-opera kung kinakailangan.