TOTOO NGA bang pinagnakawan ng kanyang kasambahay ang mahusay na singer na si Jenine Desiderio?
May nakapagbalita kasi sa amin na umano ay ikinukulong ni Jenine ang kanyang Davaoenang maid at ayaw palabasin ng kanilang tahanan.
Nang maiparating ito sa kaalaman ng Radyo Singko ay kaagad namang nakipag-ugnayan ang news anchor ng Wanted na si Nina Taduran sa mismong maid. Pero ayon dito, hindi raw totoong ilegal na idinedetine siya ni Jenine pero hindi nga lang daw siya pinahihintulutang umalis ng bahay.
Bigla tuloy kaming napaisip. Kung malaya ngang nakakikilos sa loob ng bahay ang pobreng probinsiyana pero ayaw payagang lumabas ng bahay, hindi ba’t parang illegal detention na rin ang tawag o katumbas niyon?
At kung totoong malikot ang kamay ng kasambahay na ‘yon, why would Jenine as an employer still keep her? Hindi ba dapat ay ipina-barangay na niya ‘yon agad, o idiniretso sa pulisya sabay pagpapalayas sa taong ‘yon?
Eto pa, ikawalong kasambahay na raw ‘yon ni Jenine sa napaikling panahon. So mabilis pala ang turnover ng mga nagtatrabaho kay Jenine, bakit kaya? Saan at nakanino ang problema?
Here’s hoping na as this column comes out ay naresolba na ni Jenine ang nakarating na kuwento sa amin tungkol sa kanyang kasambahay. Hinahangaan pa naman kasi si Jenine bilang isang world class singer, pero kung totoo ang aming nasagap, this does not speak well of her stature.
Samantala, na-settle na rin kaya ni Annabelle Rama ang umano’y siyam na araw niyang utang sa kanyang driver na si Jommel Morales na dumulog din sa programang Wanted ng Radyo Singko?
Sa P500 kada araw na sahod ay P4,500 umano ang dapat bayaran ni Tita Annabelle kay Jommel na may pitong bibig na pinakakain sa araw-araw.
Nasa barangay na raw ang usapin, kaso’y nagkataong may sakit daw si Tita A kaya hindi makasadya roon para bayaran ang kanyang atraso.
Pero sa liit ng halagang ‘yon, for sure, Tita A won’t put her name at stake lalo’t alam niya rin ang katayuan ng mga maliliit na kapwa.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III