Thursday , December 26 2024

Freshmen, binansagang One Direction ng Pilipinas

MABAIT, magaling, at matulungin. Ito ang mga katangiang binanggit ni Ms. Vicky Solis ng VBS Business Group and Today’s Production & Entertainment nang tanungin namin kung bakit naennganyo siya at mga kasamahan sa VBS na ipagproduce ng concert ang Freshmen.

Ang concert ng Freshmen ay bilang pagdiriwang din ng kanilang 3rd anniversary kaya naman tinawag itong 3LOGY na gaganapin on Sept. 30,  sa Music Museum.

Three years pa lang sa industriya ang boy band na Freshmen pero marami na silang natanggap na awards and recognitions tulad ng Most Promising Boy Band (Teen Choice Phil, 2013), Most Outstanding Boy Band (Gawad Dangal Musica, 2013), Asian Outstanding Boy Band (Asian Entertainment Awards, 2014), Outstanding MTV Breakthrough (2015),Youth for UNESCO Ambasaddor (2105), at Ten Outstanding Movers of the Philippines (2016).

May nakapagsabi rin sa amin na maraming fans online ang Freshmen kaya hindi kataka-takang tinangkilik din ang kanilang unang single na ini-release ng October 2015 under Ivory Records, ang Bumalik Ka Lang.

Sa mga ipinarinig na awitin ng Freshmen sa presscon na isinagawa kamakailan, tunay na ‘di matatawaran ang kanilang galing sayang nga lamang at hindi sila nabibigyang pagkakataon para mas lalo pang maipalita ang kanilang talento sa pamamagitan ng pagkakaroon ng album.

Actually, ang magkaroon ng album ang pangarap ng grupo at sure kami na kapag nabigyan sila ng break at exposure tiyak na malayo rin ang mararating ng mga kabataang ito.

Sobrang thankful ang boy band dahil matutupad na rin ang isa sa mga dream nila, ang magka- concert.

“Thankful po talaga kami na si Tita Vicky ay pinagkatiwalaan kami na mag-concert sa Music Museum. Naghihintay po talaga kami ng producer na magtitiwala sa amin sa pangarap namin and ‘yung mapatunayan po namin ang sarili namin, ‘yung talento namin,” anang isa sa members na si Deric Gernale.

Aminado silang kinakabahan sa kanilang major concert pero excited din dahil matagal na nilang ipinagdarasal ang break na ito.

Ayon kina Derick, Levy Montilla, Patrick Abelleda, Sam Aysin, at Third Casas, pinaghahandaan  talaga nilang mabuti ang concert at marami silang gagawin na first time na makikita sa kanila.

“We’re preparing so much to entertain you, guys. As a group, hindi po kami sumasayaw pero sa concert, magta-try po kami ng full blast na sayaw talaga,” ani Levy.

Ang Freshmen ay binubuo ng limang bagets na pawang magagaling na singers – ang iba nga ay sinasabing sila ang One Direction of the Philippines.

Bagamat natutuwa ang grupo sa bansag na ito mas gusto naman nilang makilala sa sariling galing at iginiit na mayroon silang sariling brand ng pagkanta.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *