ITINAAS ang tropical cyclone warning signal number 4 sa lalawigan ng Batanes habang lumalapit ang sentro ng bagyong Ferdie.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 285 kilometers (kms) east ng southeast ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 215 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 250 kph.
Sinabi ni weather forecaster Buddy Javier, inaasahang ang sentro ng bagyo ay nasa bisinidad na ng Batanes ngayong madaling araw.