“MONA is one of the best leading ladies I’ve worked with, I promise. One of the most beautiful, isa sa pinaka-sexy. Sorry Maja (Salvador), I love you, but si Mona, the best,” pagpuri ni Jericho Rosales sa kanyang bagong leading lady na si Arci Munoz at makakasama sa pinakabagong handog na teleserye ng ABS-CBN, ang Magpahanggang Wakas na mapapanood na sa Setyembre 19 handog ng RSB Unit.
Ayon kay Echo, ang pakikipagtrabaho niya kay Arci ang isa sa dahilan kung bakit excited siya sa Magpahanggang Wakas bukod pa siyempre na ang director nito ay si FM Reyes at makakasama rin ang batikang actor na si Lito Pimentel.
First time magkatrabaho sina Echo at Arci pero kitang-kita na ang closeness nila. Nariyang panay ang biruan nila noong presscon na isa sa ikinapupuri rin ng actor sa aktres.
Ani Echo, napaka-sports ng dalaga na kahit asarin nila ay hindi napipikon.
Pagdating naman sa acting, iginiit din ni Echo na nakakasabay ito.
“Oo naman. Chameleon siya kasi sa ‘Camp Sawi’, iba siya, rito, iba siya, sa ibang mga ginawa niya, iba siya, pati ‘yung make-up, basta ang galing.
“And may effort talaga, she can play with her voice ganyan, minsan, boses Santo Niño siya.
Sa kabilang banda, nangilid naman ang luha ni Arci sa sobrang pasasalamat sa ganda ng takbo ng kanyang career sa ABS-CBN.
Sa Kapamilya Network naman kasi talagang umarangkada nang husto ang kanyang career nang bigyan siya ng lead role sa Pasion de Amor gayundin ng pelikula with Gerald Anderson, ang Always Be My Maybe na nasundan pa mula sa Viva Films, ang Camp Sawi, at ngayon, heto’t may bago na naman siyang malaking teleserye na pang-primetime pa.
“I’m just really thankful for everything. And I believe na everything that’s happening to me right now, parang si Papa (her father). Si Papa, igina-guide niya ako,” ani Arci. “My dad just passed away last February, when I was doing ‘Always Be My Maybe’. And then after that, ang ganda ng naging takbo ng lahat.
“So, feeling ko, alam ko, nararamdaman ko na igina-guide niya ako and I’m really, really thankful.”
Sinabi naman ni Arci na si Echo na ang pinaka-humble na artistang nakasama niya. “Sobrang humble, sobrang galing. Pagdating niya sa set, babatiin niya lahat, very professional. Kaya ako pinaghuhusayan ko rin ang acting ko and pinagtatrabahuhan ang lahat-lahat.”
Ukol naman sa maiinit na lovescene nila ni Echo, sinabi ni Arci na nasa isla sila kaya kailangan ang mga tagpong iyon sa story. “Siyempre, sa lahat naman ng roles na ginagawa ko, basta hiningi ng character. Hindi naman ‘yung sobrang. . .hindi naman bastos, eh,” anito.
Pero iginiit niyang, “I don’t wanna be labeled (sexy actress), but hinihingi ng role at ng istorya, alam ko naman na inaalagan nila ako, why not? I know din naman my limitation, so, ayun,” paliwanag ng aktres.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio