Friday , November 15 2024
knife saksak

Ama pinugutan, tsinaptsap ng anak (Ayaw pumayag sa kasal)

ROXAS CITY – Nagsisisi ang suspek na responsable sa pagpugot sa ulo at pagtsap-tsap sa katawan ng kanyang ama sa Brgy. Agcagay, Jamindan, Capiz.

Sinabi ni Nick Ocate, nasa tamang katinuan siya nang nangyari ang krimen at dumilim lamang ang kanyang paningin nang hindi pumayag ang kanyang mga magulang na magpakasal siya sa kanyang kasintahan dahil magkaiba ang kanilang relihiyon.

Samantala, halos hindi makapaniwala ang ina na si Editha sa sinapit ng kanyang mister na si Jose Ocate sa mga kamay ng kanilang anak.

Wala aniyang pinagtalunan ang mag-ama at nagulat na lamang nang biglang pumunta sa garahe ng kanilang bahay ang suspek at kumuha ng itak.

Agad bumaba sa kanilang bahay ang amang si Jose upang makaiwas ngunit hinabol ng suspek at pinagtataga.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakita nila ang suspek na bitbit ang pugot na ulo ng ama. Hindi siya lumaban sa mga awtoridad at kusang sumama.

Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang pira-pirasong katawan ng biktima.

Nasa kustodiya ng Jamindan Municipal Police Station ang naturang suspek.

Napag-alaman, bago nangyari ang krimen, ilang araw siyang kinokombinsi ng kanyang mga magulang na magpatingin sa psychiatrist sa lungsod.

Aminado ang suspek na paminsan-minsan ay nakararamdam siya ng pagkahilo makaraan mabagok ang kanyang ulo sa upuan ng kanilang simbahan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *