Sunday , December 22 2024

“One body” sa QCPD Press Corps induction 2016

ITO ang tema ng mga bagong nanumpang opisyal ng Quezon City Police District Press Corps sa ginanap na induction ceremony nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 9 (2016) sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine na matatagpuan sa Times St., Barangay West Triangle, Quezon City.

Ang temang “One Body” (bilang bahagi ng isang katawan  gawin ng bawat opisyal at miyembro ang kanilang responsibilidad para sa organisasyon) ay hinugot mula sa isang passage sa Banal na Kasulatan.

“1 Corinthians 12:12, 14-20 – Different Members in One Body”

Kunsabagay, kung pag-uusapan naman ang tema, wala akong masasabi sa mga opisyal at miyembro ng QCPD Press Corps. Noon pa man ay nagkakaisa na ang lahat kaya hanggang ngayon ay maganda ang relasyon ng bawat miyembro sa isa’t isa. Hindi lang naman nasusukat ang matagumpay na organisasyon sa matatagumpay na proyekto kundi mas mahalaga ang magandang relasyon ng bawat isa.

Maraming salamat sa inyong lahat – mahal kong kapwa opisyal at mga miyembro. Salamat din sa pagtitiwala sa inyong lingkod. Nakatataba ng puso ang inyong pagtitiwala – ito na ang aking ika-12 taon pagpapaupo ninyo sa akin bilang pangulo ng QCPDPC.

Siyempre ang nakalipas na induction ceremony ay naging matagumpay at masaya. Una’y dahil sa Panginoong Diyos at ang pangalawa ay dahil sa mga bisitang dumalo man o hindi na patuloy na sumusuporta sa press corps.

Sa okasyon, hindi nawala ang aming pagkakataon na pasalamatan sa pamamagitan ng pagbibigay ng certificate of appreciation sa mga tumulong at patuloy na tumutulong sa press corps.

Bukod dito, sinamantala din ng press corps ang okasyon para saluduhan ang ilang opisyal at tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang magagandang accomplishment hinggil sa kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod.

Pinarangalan din namin sila.

Higit na pumukaw ng pansin sa okasyon ang dalawang Police Officer 1 na binigyan namin ng parangal. Sina PO1s John Reden S. Dumagay at Dennis Carey Duyan, kapwa nakatalaga sa Cubao Police Station 7 na pinamumunuan ni Supt. Rolando Balasabas bilang station commander.

Pinarangalan ang dalawa dahil sa mabilis na pagresponde at pagliligtas sa isang pedestrian na nanganganib ang buhay sa kamay ng dalawang holdaper. Matapos mailigtas nitong  Setyembre 5 (2016) sa footbridge sa Cubao, QC ang biktima, sa halip na sumuko ang dalawang holdaper, pinaputukan pa ang dalawang pulis kaya gumanti sina Dumagay at Duyan na nagresulta sa pagkakasugat at pagkaaresto ng isa sa dalawang holdaper. Nakatakas ang isa sa kalagitnaan ng barilan.

Mismong ang aming guest speaker na sina QC Mayor  Herbert “Bistek” Bautista at QCPD director P/Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ay nag-abot ng parangal sa dalawang dakilang pulis natin.

Sa talumpati ni Bistek, nakatataba ng puso ang kanyang pagsaludo sa press corps. Nasaksihan niya ang pagkakaisa ng bawat miyembro noon pa man. Hindi nga naiwasan ni mayor na ikinompara ang QCPD Press Corps sa isang press corps. Aniya’y malayong-malayo daw ang QCPDPC kaysa isang press association na kanyang sinasabi (hindi na binanggit ng alkalde ang pangalan ng press association). Ibang-iba nga raw ang QCPDPC.

Salamat po Mayor.

Sa pagkakataon din ito, nais ko rin pasalamatan sina G. Jerry Yap, Alab ng Mamamahayag chairman; G. Benny Antiporda, Vice President ng National Press Club; at G. Paul Gutierrez. Higit din sa lahat kay Sr. Supt. Eleazar who make the night possible.

Salamat din kina Jared Castillo, Eimard Teaño, Ronald Bustos, at Archie Pangilinan ng University of Santo Tomas – Conservatory of Music. Ang gagaling ninyong tumugtog ng saxophone.

Maging si Bistek napahanga sa inyo. Salamat.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *